Byahe Ng Buhay-文本歌词

Byahe Ng Buhay-文本歌词

Ronnie Liang
发行日期:

Lumapit ka mahal ‘Wag isiping ikaw ay iiwanan Kahit ano pa ang gawin ng mundo sa ‘yo Andito lang ako Lumubog man ang barko, andito lang ako Kung magunaw ang mundo ay tatabi sa ‘yo Hahawakan ang ‘yong mga kamay Hayaan mong ako ang ‘yong maging gabay Sa pag-ikot ng gulong Naghahanap ka ba ng taong sasabay Sa byahe ng buhay Kung ganu’n ay ‘wag nang mangamba Hindi ka na mag-iisa aking mahal Ako na ang bahala, matulog sumandal (Ako bahala…ako bahala…) Kumapit ka mahal Maglalakbay sa malubak na daanan Masira man ang makina at tayo’y mahinto Andito lang ako ‘Wag mataranta’t matakot, andito lang ako Susubukang ayusin ‘to para lang sa ‘yo At kung sakaling hindi makasakay Maglalakad tayong dal’wang magkasabay Sa bawat tapak ng paa Mabagal man basta’t alam mong Sumasabay ka sa byahe ng buhay Mapagod man ika’y magpahinga Sa pagpasan ako’y handa aking mahal Ako na ang bahala, matulog sumandal Matulog sumandal Matulog sumandal Ako na ang bahala Sa pag-ikot ng mundo Sasamahan ka patungo Sa walang hanggan